Veteran actress Vivian Velez invites every Filipino for an assembly pushing for revolutionary gov’t











On the said Facebook post, she mentioned the upcoming Bonifacio Day happening on November 30, 2017. The day where the heroism of Gat Andres Bonifacio will be commemorated.

On the same post, she wrote “Sa araw na ito ay nakatakda ang PAGSA-SAMA SAMA ng lahat ng mamayang Pilipino na nagmamahal sa ating bayan, mga makabayan na sawang sawa na sa bulok at mapanglinlang na sistema at klase ng gobyerno na meron tayo, mga sawang sawa na sa pulitika na nakasisira at makasarili na siyang namamayagpag sa ating bayan”.

“Sa araw ring ito itinakda ang pag tawag ng buong bansa para tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iginagawad ng taong bayan na isang kapangyarihan para ideklara niya at pamunuan ang isang revolutionary government”, she added.

READ FULL POST BELOW

ISANG IMBITASYON PARA SA BUONG BANSA

Sa November 30, 2017 tayo ay ang magdiriwang ng Bonifacio Day. Ito ay isang pagkilala at pagpupugay sa kabayanihan ng dakilang si Andres Bonifacio.

Sa araw na ito ay nakatakda ang PAGSA-SAMA SAMA ng lahat ng mamayang Pilipino na nagmamahal sa ating bayan, mga makabayan na sawang sawa na sa bulok at mapanglinlang na sistema at klase ng gobyerno na meron tayo, mga sawang sawa na sa pulitika na nakasisira at makasarili na siyang namamayagpag sa ating bayan.

Sa araw ring ito itinakda ang pag tawag ng buong bansa para tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iginagawad ng taong bayan na isang kapangyarihan para ideklara niya at pamunuan ang isang revolutionary government.

Lahat ng organisasyon at mga koponan na nag organisa ay tinatawag nang maki-paugnayan sa inyong mga pamunuan para sa paghahanda sa araw ito

Sa ating mamamayan na nakikiisa sa ating pagkilos, saan man kayo naroroon, ay iniimbitahan kayo ng Network Revolution na gamitin o ehersisyo ang inyong ‘sovereign right’ bilang mamamayan ng ating bansa na wakasan na ang panga-abuso sa kapangyarihan na ibinigay natin sa mga pulitiko at ibalik sa wasto ang ating gobyerno na pinamumugaran ng mga magnanakaw at makasariling opisyales.

Saan man kayo naroon lumahok sa mga pagtitipon na gagawin sa iba’t ibang bahagi ng bansa. At kung kayo ay nasa ibang bansa magtipon tipon kayo at ipahiwatig ang inyong pagsuporta.

At para sa lahat, ating bahain at paingayin ang mensaheng ito sa social media maging text messaging sa araw na ito ang pag-tawag sa Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara at pamunuan na niya ang revolutionary government. Sa simpleng mensaheng ito ay pagpapahiwatig ng inyong pakikiisa:

“Mahal na Pangulo,

Ang aming kapakanan at ang hinaharap ng bayan ay nalalagay sa alanganin sa klase ng kasamaan, banta, pag-aalsa, at kriminalidad. Mga kaguluhang dulot ng maduming pulitika na maaring magdulot ng destabilisasyon sa inyong pamumuno. Kaya tanggapin po ninyo ang aming pinakamakapangyarihan na kalooban na ideklara at pamunuan ang isang revolutionary government para sa tunay na pagbabago at maisakatuparan lahat ang inyong pinangako sa amin tungo sa mas mabuti at maayos na Pilipinas, na s’ya naming pinanghahawakan simula’t simula pa nang kami’y magkaisa sa pagpili sa inyong pamumuno.

Buo ang puso sa inyo, Ang Bayang Pilipinas”

Panahon na upang wakasan ang mapangabusong pultika sa bayan. Ang pagtawag sa pagkakaisa ay napapanahon na upang tuldokan ang sumpa ng kahirapan, ang karahasan at pagsasamantala sa ating mga mamayan.

Ipanalangin natin na sa araw na ito ay mag-uumpisa ang ating mabilis na paglalakbay tungo sa isang matagumpay at tunay na pagbabago sa ating bansa at ibalik ang karapatan sa maayos na pamumuhay ng bawat Pilipino.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Pangulong Duterte!

#NetRev Please share!

Source: Vivian Velez
Veteran actress Vivian Velez invites every Filipino for an assembly pushing for revolutionary gov’t Veteran actress Vivian Velez invites every Filipino for an assembly pushing for revolutionary gov’t Reviewed by Blogger on 3:22 AM Rating: 5

Walang komento