GoodNews: Magsasaka, mangingisda, sari-sari stores, karinderya, tricycle drivers ililibre na sa tax











Ang pagbabayad ng buwis ay hindi natural sa mundo, bagkus ay artipisyal lang na gawa ng tao dahil sa pangangailangan.

Gaya ng mga bansang Amerika, Canadaat Japan, pawang matataas ang sinisingil na buwis ng mga gobyerno sa bansangito dahil marami rin silang serbisyong ibinibigay sa mga mamamayan nila.

Dito sa Pilipinas ay aabot sa halos32% ang kabuuang buwis na binabayaran ng mga Pilipino. Kung tutuusin ay malapit na ito sa 40% na income tax sa Amerika ngunit malayo tayo sa yaman ng kanilang ekonomiya.

Isinusulong sa Senado na ilibre na lamang sa pagbabayad ng buwis ang maliliit na negosyo, gayundin ang mga marginal income earner.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means, malaking ginhawa para sa ordinaryong mamamayan na hindi na bubuwisan ang mga maliliit na negosyo.

Sa kasalukuyang tax regulations, ang marginal income earners ay ang mga indibidwal na may sari­ling pinagkakakitaan na ang gross sales ay hanggang P100,000 lamang.

Kabilang dito ang mga magsasaka at mangi­ngisda na direktang nagbebenta sa consumers, sari-sari stores, mga karinderya o turo-turo, drayber at operator ng isang unit ng tricycle.

Sa kasalukuyan, libre sa pagbabayad ng business taxes tulad ng VAT at percentage tax ang marginal income earners subalit nagbabayad pa rin sila ng income tax.

Ang malilit na negosyo naman na may P3 million assets pababa ay maaari ring hindi na pagbayarin ng income tax, alinsunod sa umiiral na Barangay Micro Business Enterprise law, subalit kailangan muna silang magparehistro sa tanggapan ng City Treasurer sa kani-kanilang lugar.
GoodNews: Magsasaka, mangingisda, sari-sari stores, karinderya, tricycle drivers ililibre na sa tax GoodNews: Magsasaka, mangingisda, sari-sari stores, karinderya, tricycle drivers ililibre na sa tax Reviewed by Blogger on 4:38 AM Rating: 5

Walang komento