WATCH Ang madamdaming 'pagkikita' ng isang ina sa Aurora at anak na naiwan niya sa Korea sa 'KMJS'











Pagkaraan ng 16 na taon, nakita at nakausap na ni Felicidad Reyes sa pamamagitan ng video call ang isa sa dalawa niyang anak na napilitan niyang iwan sa Korea para maisalba ang isa pang anak na nasa kaniyang sinapupunan nang bumalik siya ng Pilipinas. Panoorin ang madamdaming pag-uusap ng mag-ina sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Noong nakaraang buwan nang itampok sa "KMJS" ang mala-Koreanovela na kuwento ng buhay ni Felicidad o Ging-ging, na naninirahan sa Aurora kasama ang kaniyang anak na si Jayson, na 16-anyos na ngayon.

Ipinagbubuntis noon ni Ging-ging si Jayson nang umalis siya sa Korea at naiwan ang dalawang batang anak na sina Lee Seung Hee at Lee Jin Hee.

Tumakas daw si Ging-ging at umuwi ng Pilipinas dahil nais ng kaniyang biyenan na ipalaglag ang baby sa kaniyang sinapupunan dahil sa kanilang paniniwala na hindi maganda ang sunod-sunod na anak na lalaki.

At mula noon, hindi na nakita ni Ging-ging ang mga anak na naiwan sa Korea. Ang anak na si Jayson ang dumulog sa "KMJS" upang tulungan sila na makita at makausap ang kaniyang mga kapatid, at makita rin niya sana ang kaniyang ama na hindi pa niya nasisilayan.

Sa episode nitong Linggo, ipinakita ng "KMJS" kung papaano naging instrumento ang telebisyon at social media para mahanap sa Korea ang binata na ngayon na si Lee Seung Hee, at naging daan para makausap niya ang ina at kapatid na si Jayson, na sa unang pagkakataon pa lang niya makikita.

Pero gaya ng mga sikat na koreanovela, hindi pa masasabing tapos na ang kuwento nina Aling Ging-ging at kaniyang mga anak dahil hindi pa sila personal na nagkakatagpo. Kung kailan ito magaganap, wala pang nakakaalam.

Panoorin ang nakakaantig na pag-uusap ng mag-iina sa episode na ito ng "KMJS:"
WATCH Ang madamdaming 'pagkikita' ng isang ina sa Aurora at anak na naiwan niya sa Korea sa 'KMJS' WATCH Ang madamdaming 'pagkikita' ng isang ina sa Aurora at anak na naiwan niya sa Korea sa 'KMJS' Reviewed by Blogger on 6:54 AM Rating: 5

Walang komento