HULI ON DUTY! – Isang empleyado sa NAIA, nakuhanan ng shabu habang nasa trabaho











Nahulihan ng isang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia ang isang empleyado ng Manila International Airport Services Corporation (MIASCOR) sa isang surprise inspection sa NAIA 1.

Nakilala ang lalaki bilang si Eliezer Espiritu, 52-anyos na lead man ng ground handling ng MIASCOR. Kabilang siya sa nagbubuhat ng mga bagahe papunta sa eroplano o galing sa eroplano, papuntang airport. Siyam na taon na raw siyang empleyado dito.

Ayon sa Manila International Airport Authority, nagmula raw sa isang text message ang tip na may empleyado silang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Natagpuan ang sachet ng shabu sa pouch ng kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang bulsa.

“This is the first time na may nangyari sa MIASCOR,” sabi ni Major Joel Jonson, Executive Assistant at Head ng Counter Intelligence Section ng MIAA.

“There are 3 empty sachets. Tingin ko regular na siyang gumagamit, ‘yung assesment natin,” dagdag pa ni Jonson.

Aminado naman si Espiritu na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Depensa niya, pang-kondisyon lang daw niya ito.

Tatanggalin na sa trabaho si Espiritu at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
HULI ON DUTY! – Isang empleyado sa NAIA, nakuhanan ng shabu habang nasa trabaho HULI ON DUTY! – Isang empleyado sa NAIA, nakuhanan ng shabu habang nasa trabaho Reviewed by Blogger on 3:51 AM Rating: 5

1 komento

  1. AngtangamoPARE dinamay mo pa ang maganda ng trabaho at MGa kinabukasan ng MGa ANAk sa SHABU. Hindi mo ba naisip iYON. NGAYON tapos na ang happy days mo. Talagang ganoon NASA Huli parati ang PAGIISIP.

    TumugonBurahin