Lalaking nagkaproblema raw sa pag-iisip dahil sa droga, tinadtad ng saksak ang ina
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 86-anyos na ina sa kamay ng mismong anak matapos siyang tadtarin ng saksak at kinagat pa sa mukha sa Negros Oriental. Ang salarin, sinasabing nagkaproblema raw sa pag-iisip dahil sa labis na paggamit ng droga.
Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Lunes, sinabing nangyari ang malagim na krimen sa bahay mismo ng mag-ina sa Sibulan, Negros Oriental.
Base umano sa paunang imbestigasyon, sumaklolo ang mga kapitbahay nang marinig nila ang pagsigaw ng biktima.
Naabutan daw ng mga ito ang ginang na paulit-ulit na sinasaksak ng salarin.
Kinagat pa umano ng salarin ang mukha ng ina, hiniwa ang tiyan, at tinangka pa raw halayin.
Nang tangkaing awatin ng mga kapitbahay ang salarin sa ginagawa sa ina, nanghabol umano ito ng saksak.
Naaresto naman ang kinalaunan ang salarin, na ayon sa mga kaanak ay problema sa pag-iisip dahil sa labis na paggamit ng droga.
Lalaking nagkaproblema raw sa pag-iisip dahil sa droga, tinadtad ng saksak ang ina
Reviewed by Blogger
on
8:06 PM
Rating:
Post a Comment