MAUTAK TALAGA ANG PRESIDENTE DUTERTE NG PILIPINAS!











Magpasahanggang huling administrasyon maririnig mo pa ang mga salitang “Hindi mo ba ako kilala bata ako ni senador, bata ako ni congressman, mayor, konsehal o hindi mo ba ako kilala? kapitan ako!”.

Pasok PRRD with Espenido, Marcos at mga kasama.

Mayroon tayong humigit kumulang 180,000 na pulis sa ngayon. sabihin na natin na lahat sila ay abusado. Meron tayong 24 Senador, 297 Congressmen, Governors, libong mayors at vice mayors, libo-libong konsehal ng bayan, kapitan kagawad at tanod, isama pa natin pati ang SK. Ang bawat senador at congressman ay may tig 50 tao (conservative estimate pa yan). Sabihin na natin ang mayor, vice mayor at konsehal ay may tig 10. Sabihin na lang natin na ¼ lang ng bilang nila ang abusado, ilang milyon o daang libo sila?

Ano mang oras, mas gugustuhin ko na may pagkakataon na maging mayabang o abusado ang 180,000 na pulis kumpara sa milyon o daang libo na mayabang at abusadong politiko lalo na mga tauhan nila. Bakit? Ang 180,000 na pulis ay may amo na matino at didisiplina sa kanila sa oras na umabuso. Yang mga abusadong tauhan ba ng mga pulitiko ay susuhetuhin ng mga abusado din nilang amo?

May politiko at general na humamon sa presidente ko. Sabi nila, walang dute-duterte dito sa Ozamiz. Hindi niya kaya mga Parojinog. Ngayon meron pa kayang maglalakas loob na politiko ang magsasabi niyan?! Sigurado ramdam ngayon hanggang buto ang takot ng mga tiwaling lingkod bayan. Huwag kayo matutulog at baka bisitahin kayo ni Marcos at Espenido.

Subukan mo ngayon magbitbit sa lansangan ng droga at ipagyabang mo sa mga pulis na bata ka ni senador o ni congressman. Pag napatapat ka sa matinong pulis tingnan natin kung hindi ka tumumba kasama ng amo mo.

Para sa akin ang malinaw na mensahe sa pagtalaga kay Marcos at Espenido ay ang lagyan ng takot hanggang kaluluwa itong mga abusado at tiwaling lingkod bayan. Epektibo ba? Tanungin natin doon sa mga mayor na nagpunta kay Espenido, sa mga mayor na nagsalita sa media na natatakot sila na baka matulad sila sa mga Parojinog. Sinabi na po ng presidente namin, stop it! Stop it o papatayin ko kayo. Siguro naman naniniwala na kayo sa kanya.

Ayoko ng presidente na disente nga pero inutil naman.

Ang presidente ko may malasakit sa bayan. Ang presidente ko may malasakit sa mga bayaning sundalo at pulis. Ang presidente ko may bayag.
MAUTAK TALAGA ANG PRESIDENTE DUTERTE NG PILIPINAS! MAUTAK TALAGA ANG PRESIDENTE DUTERTE NG PILIPINAS! Reviewed by Blogger on 5:15 AM Rating: 5

1 komento