GUTOM AT WALANG PAHINGA ANG MGA PROTESTERS NA DUMATING SA MAYNILA AT BATANGAS PORT NGAYONG ARAW!











Ang mga protesters mula sa Visayas at Mindanao na sumakay sa mga barko na nirentahan ng "Yellow Group" ay dumating na sa mga daungan ng Manila at Batangas port ngayong araw.

Iniulat na ang yellow group ay nag-arkila ng anim na barkong Superferry upang magdala ng mga tao mula sa Visayas at Mindanao patungong Maynila, para dumalo sa rally ngayong Huwebes sa ika-45 na anibersaryo ng Martial Law.

Sinabi ng mga lokal organizers na nagkaroon ng miscommunications sa kumpanya ng barko dahil ang mga magpoprotesta ay dapat na makarating bukas ng hapon hanggang gabi upang hindi sila maghintay ng matagal, ngunit dumating sila isang araw bago pa ang nasabing rally, na naging malaking problema.

Ang mga protesters na dumating nang isang araw bago ang actual na rally sa Setyembre 21 ay maaaring magugutom at walang matutuluyan, ayon sa isang lokal organizer na tumangging magbigay ng kanyang pangalan dahil hindi siya pinahihintulutan na magbigay ng official statement.

Ayon sa ulat mula sa Batangas port, ang mga taong na-stranded doon ay hindi alam kung saan pupunta dahil ang barko ay dapat mag-dock in sa Manila at hindi sa Batangas Port.

“Malaking problema po ito dahil hindi namain napaghandaan ang pag-bago ng schedule. Dapat kasi bukas pa sila ng hapon or ng gabi darating para rally na agad kinabukasan. Ang malaking problema po namin ngayon ay kung saan sila patutuluyin mula ngayon hanggang sa Sept. 21. We really didn’t expect this to happen. Wala rin kaming bus na mag-hakot sa kanila mula dito sa pier papunta sa Maynila, at di namin alam kung ano ang gagawin namin sa kanila pag-dating dun”, ayon sa pahayag ng local organizer sa port security ng Batangas.

Maraming mga protesters ang nagrereklamo na pagod at gutom, at walang pera upang bumili ng pagkain.

“Hindi naman kasi naman alam na ganito ang mangyayari e. Ni wala kaming dalang pambili ng pag-kain. Naubos na yong pag-kain namin sa barko”, ayon sa isang pasahero ng barko.

Walang malinaw na impormasyon kung bakit ang mga taong ito ay kumbinsido na sumali sa rally, ngunit ayon sa source, ipinangako ng local organizer na sila ay babayaran pagkatapos ng rally.

Sa kasalukuyan, naghihintay pa rin ang mga pasahero (protesters) sa port ng Batangas at Manila nang hindi alam kung ano ang gagawin, at kung saan pupunta.
GUTOM AT WALANG PAHINGA ANG MGA PROTESTERS NA DUMATING SA MAYNILA AT BATANGAS PORT NGAYONG ARAW! GUTOM AT WALANG PAHINGA ANG MGA PROTESTERS NA DUMATING SA MAYNILA AT BATANGAS PORT NGAYONG ARAW! Reviewed by Blogger on 4:14 AM Rating: 5

Walang komento