Nationwide ban vs toma sa kalye iniutos ni President Rodrigo Roa Duterte
IBA ang kulturang Pinoy.
Only in the Philippines na makikita ang mga lalaking hubad-baro at nagtatagayan sa gitna ng kalye.
At hindi sila puwedeng istorbohin.
Kapag nasita sila, tiyak magkakahabulan ng saksakan.
Kaya nang iutos ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na i-ban ang tagayan sa kalye, mas marami ang natuwa.
Tulong ito sa pagpapatupad ng “peace and order.”
Kung matatandaan, ilan sa local executives na unang nagpatupad nito ang nasirang Cornelio Trinidad ng Baliwag, Bulacan at si Bayani Fernando ng Marikina.
Maigting ang pagtutol sa una pero nang mapagtanto ng publiko na malaking tulong sa kaayusan ng komunidad ay lubos na rin nilang sinuportahan.
Sabi nga, nagsisimula ang pagbabago sa malilit na bagay at detalye na kapag lumawak at lumaki ay saka mararamdaman ang impact sa sambayanan.
Dapat kapit-bisig sa pagpapatupad nito ang mga residente, barangay officials, local government officials at ang pulisya.
Nationwide ban vs toma sa kalye iniutos ni President Rodrigo Roa Duterte
Reviewed by Blogger
on
5:32 AM
Rating:

Post a Comment