Political leaders in Tarlac: WALA NG SINUMANG AQUINO SA SUSUNOD NA ELEKSYON!
Ang mga lider ng pulitika sa probinsya ng Tarlac ay hahadlang sa sinumang miyembro ng pamilyang Aquino na hihingi ng pwesto sa darating na eleksyon sa 2019, ayon kay Mayor Benjamin Tesoro noong Lunes sa pagdiriwang ng ika-34 na anibersaryo ng pagpatay kay dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino.
“Never again to [an] Aquino in public service,” ayon kay Mayor Tesoro sa kanyang speech.
Dagdag pa niya, ito ay isang desisyon na ginawa sa isang pulong ng Nationalist People's Coalition sa Paniqui town sa Tarlac noong Sabado. Ito ay ang naging reaksyon sa mga na i-ulat na tatakbo si Kris Aquino pagka gobernador ng Tarlac, at isang kamag-anak, si Sen. Paolo Benigno "Bam" Aquino IV, ay tatakbo rin para naman sa pagka-pangulo.
“Everyone who attended that meeting did not like [the Aquinos] anymore because after many years that they have been in power, nothing [beneficial] happened to Tarlac,” dagdag pa ng Alkalde.
“If there are improvements in my town, it’s because we worked hard for these. Only Concepcion [town] benefited from Noynoy,”
Ang Concepcion, ang lugar kung saan ipinanganak ang dating senador, ay mas pinahahalagahan ng mga Aquino sa Linggo ng pagdiriwang ng Aquino’s assassination sa tarmac ng Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.
“Yellow still means we are brave, it means we are watching,” ayon kay Emilio Martin Enciso, 16, apo ni late Sen. Agapito “Butz” Aquino na siyang naging guest speaker.
Napuno ng yellow ribbons ang Concepcion municipal quadrangle. Ang mga tao na dumalo sa programa ay nakasuot lahat ng dilaw.
“I have always believed that charity starts at home. But this did not happen in Tarlac,” giit ng alkalde.
Ipinahayag din ni Tesoro ang kanyang pagkabigo sa hindi pagdalo ni PNoy sa commemorative program para sa kanyang ama. Sinabi niya na ito ang pangalawang beses na inaanyayahan niya si Noynoy sa kanyang bayan.
“Ninoy was different. His passion to serve Tarlac, the country and the Filipino people was different. And I am personal witness to that. He had a comfortable life but he chose to sacrifice for the people,”
Naglingkod si Tesoro bilang koordinator ng kabataan ni Ninoy sa Senado bago siya sumali sa Philippine Military Academy, kung saan nagtapos siya noong 1975.
Sa nasabing programa, ang anak na babae ni Tesoro, si Bise Mayor Cresencia Tesoro, ang bumasa sa mensahe ni PNoy, na na-email sa kanya. Pinasalamatan ni Noynoy ang mga residente ng bayan para sa pag-aalala ng death anniversary ng kanyang ama.
Political leaders in Tarlac: WALA NG SINUMANG AQUINO SA SUSUNOD NA ELEKSYON!
Reviewed by Blogger
on
6:43 AM
Rating:

Post a Comment