Senator Cynthia Villar pinangalanan sina Risa Hontiveros at Bam Aquino na umanoy nasa likod ng paninira sa ilang Senador
Napagtanto ni Senador Cynthia Villar na ang impormasyong natanggap niya sa social media tungkol sa mga senador na nagnanais na sirain ang majority bloc ng senado ay posibleng totoo.
Sa senate session noong Miyerkules tungkol sa resolusyon tungkol sa pagpatay ng mga menor de edad na hindi pinirmahan ng pitong senador kabilang na dito si Sen. Villar na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Villar na nag-atubili siya na paniwalaan ang impormasyong natanggap noong una, ngunit dahil sa kamakailang blog na nai-post ng isang Facebook page na "Silent No More PH", naniwala siya na ang babalang natanggap niya sa social media ay nagsimula na.
Inilarawan si Villar ng blog bilang isang 'business tycoon na nagbigay ng milyon-milyon sa PDP-LABAN noong eleksyon bilang kapalit na gawing DPWH head ang kanyang anak na lalake at paunlarin ang negosyo ng kanyang pamilya.
Tinanggihan ni Villar na hindi niya pinirmahan ang resolusyon, dahil una, hindi niya alam na mayroong resolusyon laban sa pagpatay ng mga menor de edad. "I just want to make a manifestation that I, together with the other senators were not asked to sign," sabi ni Villar. “We did not refuse to sign, we were not asked to sign,” dagdag niya.
Sa kanyang speech, ipinahayag din ni Villar na ang ilang mga social media practitioners ay nagbabala na sa kanya tungkol sa iba pang mga senador na nagbabalak na sirain ang majority bloc. Siya ay nanatiling tahimik tungkol sa impormasyon na natanggap sa loob ng mahabang panahon dahil hindi siya naniniwala dito.
Ngunit ngayon, ipinahayag ni Villar sa kanyang speech na ang dalawang senador na pinaghihinalaang sinusubukan na sirain ang majority bloc ay walang iba kundi sina Risa Hontiveros at Bam Aquino, parehong mga miyembro ng minority bloc ng senado.
“It’s really somebody from the social media told me before, long time ago that there are two senators going to destroy us. But I did not believe it,” aniya. “It just when I saw the blog, then I started thinking that it was really true. I want to clarify Bam and Risa, they told me really that Bam Aquino and Risa Hontiveros will try to destroy us. I did not believe it, but now when I saw that blog, I said, maybe this is the beginning.” dagdag pa niya.
Nilinaw ni Villar na ang natanggap niyang impormasyon ay mula sa ilang mga practitioners ng media.
Noong Setyembre 26, nagpost ang SilentNoMore ng isang article tungkol sa pitong senador na hindi pumirma sa resolusyon na humimok sa pamahalaan na ihinto ang pagpatay ng mga bata at mga menor de edad. Siniraan ng author ng article ang pitong senador na sina Senate President Koko Pimentel, Senador Richard Gordon, Cynthia Villar, Miguel Zubiri, Gringo Honasan at Senador Manny Pacquiao.
Senator Cynthia Villar pinangalanan sina Risa Hontiveros at Bam Aquino na umanoy nasa likod ng paninira sa ilang Senador
Reviewed by Blogger
on
4:31 PM
Rating:

Post a Comment