Trillanes kay Duterte: "Wawasakin din kita kaya itodo mo na!"











Ito ang buwelta ni Senador Antonio Trillanes IV sa banta sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa wawasakin siya.

Hamon ng senador sa pangulo, dapat itodo na umano niya ang kanyang atake dahil siguradong wawasakin niya ito at hinding-hindi uurungan sa laban.

“Sa akin, just try, itodo mo na. Do your worst,” hamon ni Trillanes sabay ng bantang, “…Hahabulin at hahabulin din kita!”

Sinabi pa ni Trillanes na nakakasawa na ang gawa-gawang ‘fake information’ at ‘fake news’ ng pamahalaan para sirain ang kanyang kredibilidad at itago ang katotohanan.

“I will not destroy you by fabricated information but I will destroy you with the truth,” diin ng senador.

Pinabulaanan ni Trillanes ang lumabas na impormsyon na mayroon itong iba’t ibang bank accounts sa labas ng bansa.

Bilang patunay, naglabas ng waiver ang senador para bigyan ng otoridad ang Office of the Ombudsman at ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na buksan ang kanyang mga bank accounts.

Hinamon din nito si Pangulong Duterta na maglabas din ng waiver para pabuksan naman ang kanyang bank records.

“Nagparatang ka sa akin, pumirma ka ng waiver. Nagparatang ako sayo isang taon mahigit na pero iniiba mo ang usapan, sinasabi mo buksan niyo pero hindi ka pumirma ng waiver. Kung matapang ka at hindi ka korakot, pumirma ka ng waiver gaya ng ginawa ko ngayon. Magpakalalaki ka. Hindi ka mapo-prokteksyunan nitong baril mo sa tagiliran,” giit pa ni Trillanes.
Trillanes kay Duterte: "Wawasakin din kita kaya itodo mo na!" Trillanes kay Duterte: "Wawasakin din kita kaya itodo mo na!" Reviewed by Blogger on 4:37 PM Rating: 5

Walang komento