Wag niyo kaming patayin, susuko na kami – Maute











Wag niyo kaming patayin, susuko na kami – Maute

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Loren­zana na hindi papatayin ang mga nalalabi pang Maute-ISIS na boluntar­yong susuko sa tropa ng pamahalaan kaugnay ng Marawi siege na nasa ika-129 araw na kahapon.

Tugon ito ni Lorenzana matapos iparating sa kaniya ni Lanao del Sur Rep. Mauyag Papandayan na nais ng sumuko ng natitira pang mga Maute terrorists sa battle zone.

“Sinabi sakin ni [Lanao del Sur] Rep. Mauyag Papandayan during the Marawi briefing by the Muslim Affairs Committee na gusto nilang sumu­render…. Ang request lang daw, ‘wag lang sila patayin,” pahayag ni Lorenzana.?“Sinabi ko wala namang problema sa katunayan ay nag-iikot ang ating tropa gamit ang mga bullhorns sa Marawi City upang himukin ang Maute-ISIS na magsisuko na,” ayon kay Lorenzana.

Sinabi ni Lorenzana na dahil inaasahang matatapos na sa mga susunod na araw ang bakbakan sa Marawi City ay dapat na sumuko na ang mga nalalabi pang mga terorista sa lugar.

“Kung gusto nyong sumurender lumabas kayo with your hands up in the air, so sabi ko sa kanya anytime they want to surrender, they can get out, hindi sila papatayin,” sabi pa ng Defense chief.

Tiniyak din ni Lorenzana na hindi pinapatay ng tropang gobyerno ang mga kaaway na nais sumuko.

“Of course we will not kill people who are surrendering, hindi naman murderer ang mga sundalo eh. People who will surrender, we will take them in,” sabi pa niya.

Ipauubaya na rin nila sa korte ang pagpapataw ng kaparusahan sa mga susukong Maute.

Una nang sinabi ni Lorenzana na umaasa siyang hindi na magtatagal ang bakbakan sa lungsod matapos na mabawi na ang White Mosque sa mga terorista.

Sa kasalukuyan, nasa 80-100 na lang ang Maute sa lungsod habang 707 ang napapatay na terorista, 151 sa tropa ng gobyerno at 47 sibilyan.
Wag niyo kaming patayin, susuko na kami – Maute Wag niyo kaming patayin, susuko na kami – Maute Reviewed by Blogger on 4:02 AM Rating: 5

Walang komento