Isang buong komisyon, sisibakin ni Duterte dahil sa katiwalian
Magiging masaklap ang Pasko at Bagong Taon ng isang commission ng gobyerno dahil sa nakatakdang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito.
Sa kanyang talumpati sa 84th anniversary ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap sa Malolos, Bulacan, sinabi ng Pangulo na sisibakin niya sa Lunes ang buong komisyon dahil sa katiwalian.
Wala aniya siyang pakialam kung ilan lang ang nakisali sa katiwalian dahil tiyak na hindi magagawa ito nang hindi alam ng iba.
Binigyang-diin ng Presidente na kahit bulung-bulungan lang na may korupsiyon ay sapat na para sibakin ang mga nasa gobyerno dahil ang katiwalian ang humihila sa gobyerno pababa.
“On Monday I will fire about one Commission mismo. Lahat sila. Wala akong alam kung nakisali dalawa, tatlo, you have to go out. Because I don’t think it will exist without your knowledge, wala akong patawad-tawad!” ang pahayag ng Pangulo.
Isa pang opisyal ang pinayuhan din ng Presidente na mag-resign na lang kaysa mapahiya dahil sa madalas na biyahe nito sa ibang bansa gamit ang pera ng taumbayan.
Mahigpit aniya ang direktiba nito sa mga taga-gobyerno na iwasan ang pagwaldas sa pera ng taumbayan kaya’t mayroon pang hanggang ngayong araw ng Linggo ang opisyal para magsumite ng kanyang resignation letter.
“If you are somebody who has been in and out of the country six times since you were appointed in September using public money, umalis ka na. May Linggo — kailan ba ang Linggo? There’s still time for you to ponder and tender your resignation,” dagdag na pahayag pa ng Pangulo.
Isang buong komisyon, sisibakin ni Duterte dahil sa katiwalian
Reviewed by Blogger
on
4:05 AM
Rating:
Post a Comment