Kris Aquino takot na kasuhan ni Duterte ang kanyang kapatid tungkol sa Dengvaxia
Wala sa agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa harap ng kontrobersiyal na isyu ng Dengvaxia vaccine.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya mapaghiganti at wala sa bokabularyo niya na gantihan ang mga politiko at mga dating opisyal na may atraso sa kanya.
Ikinuwento ng Pangulo na tinawagan siya noon ng aktres na si Kris Aquino pero tiniyak niya dito na wala siyang masamang hangarin sa kapatid nito.
Binigyang-diin ng Pangulo na makakatulog ng mahimbing si Kris na nag-aalala sa kanyang kuya.
“As I have said earlier, even Aquino, when Kris called me na “bakit…?” Sabi ko, ‘No’ ‘Sabi ko kay Bong, ‘yung aide ko, ‘You tell Kris, I am not into it’. But to be filing cases against a former President, hindi ko ugali ‘yang ganu’n,” dagdag pa ng Pangulo.
PNoy, Garin kinasuhan ni Syjuco.
Sa kabila ng pahayag ni Pangulong Duterte, nagsampa naman kahapon ng kasong mass murder at plunder sa Office of the Ombudsman si dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Augusto Syjuco.
Kinasuhan niya sina dating Pangulong Aquino at dating Health Secretary Janette Garin ng mass murder dahil marami umano ang mga namatay sa Dengvaxia na ginamit na pambakuna kontra dengue ng nakalipas na administrasyon.
Inakusahan din niya ng plunder o pandarambong sina Aquino at Garin dahil sa ginastos umano na P3.5 bilyon para sa pagbili ng naturang dengue vaccine.
Pero, aminado si Syjuco na wala siyang anumang hawak na ebidensiya sa ngayon kundi ang newspaper clippings na kanyang nabasa.
Kris Aquino takot na kasuhan ni Duterte ang kanyang kapatid tungkol sa Dengvaxia
Reviewed by Blogger
on
2:53 AM
Rating:
Post a Comment