POEA officials na nakipagsabwatan sa illegal recruiters, sibak sa pwesto!
Sinimulan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsibak sa mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na hinihinalang nakikipagsabwatan sa mga illegal recruiter.
Kinumpirma ni DOLE Undersecretary Bernard Olalia na may mga nasibak nang pinuno ng ilang departamento sa POEA.
Gayunman, tumanggi siyang sabihin kung ilan at kung sinu-sino dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
“May mga inalis na, holding key positions, head of departments in POEA,” saad ni Olalia.
Aniya, target ng DOLE na tapusin ang pagsisiyasat sa Enero 2018.
Layunin umano ng imbestigasyon na makapaghain ng administratibo at kriminal na reklamo.
Kasama umano sa kanilang iniimbestigahan ay ang lahat ng mga recruitment agency.
“We expect to conclude the investigation early part of next year, January 2018. The purpose of the investigation is for the filing of the administrative and criminal charges,” dagdag ni Olalia.
Nauna nang tinukoy ng DOLE na sasailalim sa malawakang balasahan ang POEA para matugunan ang mga ulat na may ilang opisyal at empleyado ng ahensya ang sangkot umano sa illegal recruitment at iba pang anomalya.
POEA officials na nakipagsabwatan sa illegal recruiters, sibak sa pwesto!
Reviewed by Blogger
on
3:14 AM
Rating:
Post a Comment