Russia magtatayo ng nuclear power plants sa Pilipinas











Tiniyak ng Rosatom, ang nuclear corporation ng gobyerno ng Russia, na handa itong tulungan ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng nuclear infrastructure sa bansa.

Ito’y sa ilalim ng isang memorandum of agreement o kasunduang nilagdaan nina Energy Secretary Alfonso Cusi at Nikolay Spasskiy, deputy director general for international relations ng Rosatom.

Nagkasundo ang dalawang panig na pag-aralan ang posibilidad na magtayo ng nuclear power plants sa Pilipinas na may maliliit na nuclear reactor.

Susuriin din ang Bataan Nuclear Power Plant para tingnan kung maaari itong buksan at magamit. Itinayo ito noon pang 1970s ngunit hindi binuksan dahil hindi tiyak kung ligtas ito.
Russia magtatayo ng nuclear power plants sa Pilipinas Russia magtatayo ng nuclear power plants sa Pilipinas Reviewed by Blogger on 4:23 AM Rating: 5

Walang komento