Duterte Ayaw ng manatili ng matagal sa Posisyon, ayon sa anak nitong Davao City Mayor Sara Duterte sa kabila ng pagtutulak ng kanyang mga kaalyado sa Charter Change.











Ayaw umanong manatili ng matagal sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa anak nitong Davao City Mayor Sara Duterte sa kabila ng pagtutulak ng kanyang mga kaalyado sa Charter Change.

Sabi ni Sarah, 72-anyos na ang kanyang ama at gusto na nitong magretiro sa serbisyo pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.

“He does not want a term extension for him. In fact pag nagawa na niya yung mga pinromise niya na gagawin niya para sa ating bansa…gusto na niya mag-retire,” pahaya ni Sara sa ambush interview sa Koronadal City.

“The President is not supportive of a no-election scenario because he respects the democracy that we have in our country,” dagdag pa nito.

Sabi pa ng alkalde, mas mabuting iiwan na lang sa Kongreso sa kung ano ang ilalaman sa bubuuhing bagong Konstitusyon sa porma ng pederalismo.

Hayaan na lang din umano ang publiko kung susuportahan ang pagpapalit ng porma ng Konstitusyon at kung ano man ang magiging desisyoin ng mayorya, dapat itong irespetong sinuman.

source:abante
Duterte Ayaw ng manatili ng matagal sa Posisyon, ayon sa anak nitong Davao City Mayor Sara Duterte sa kabila ng pagtutulak ng kanyang mga kaalyado sa Charter Change. Duterte Ayaw ng manatili ng matagal sa Posisyon, ayon sa anak nitong Davao City Mayor Sara Duterte sa kabila ng pagtutulak ng kanyang mga kaalyado sa Charter Change. Reviewed by Blogger on 3:12 AM Rating: 5

Walang komento