Mocha, Binanatan Ang Ka-Ipokritohan Ni Villanueva "Hinatulan Ka Ng Ombudsman"











Binuweltahan ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson si Senador Joel Villanueva dahil sa tila pangma-mata nito sa kanya. Sa nakalipas na araw, sinabi ni Villanueva na magda-dalawang isip siya sa parangal ng UST kung alam niya lang na kasama si Assec. Uson na tatanggap ng parangal.

Hindi nakaligtas kay Assec. Uson ang pagiging arogante ni Villanueva at ipinaalala na nakasuhan ito ng ombudsman dahil sa pera, kaya hindi ito dapat magmalinis.

"MAY AMNESIA KA BA SENATOR JOEL VILLANUEVA? Sabi mo kung alam mo lang na kasama ako sa bibigyan ng award malamang ay hindi mo tatanggapin ang award. Ayaw ko sanang ibalik ang nakaraan pero I want you to change kasi isa ka pa namang kapatid sa pananampalataya. Nakalimutan mo na ba ang hatol sayo ng Ombudsman? Paalala ko lang sayo nahatulan ka ng "guilty of grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the interest of the service". Sa madaling salita hinatulan ka na ng GUILTY ng OMBUDSMAN. Bakit di ka naparusahan? Kasi SENADOR ka na. Sa madaling salita WAG KANG MAG MALINIS. Ako nagkasala ako sa sarili ko at sa Diyos ikaw pati sa bayan. Pero wag kang mag-alala kung nalaman ko na ikaw ay tatanggap ng award pupunta pa rin ako kasi hindi ako hipokrito at pariseo tulad mo." sabi ni Assec. Mocha sa kanyang post.
Mocha, Binanatan Ang Ka-Ipokritohan Ni Villanueva "Hinatulan Ka Ng Ombudsman" Mocha, Binanatan Ang Ka-Ipokritohan Ni Villanueva "Hinatulan Ka Ng Ombudsman" Reviewed by Blogger on 5:17 AM Rating: 5

Walang komento