OFW sa UAE, niregaluhan ng house and lot ng kaniyang amo bilang pasasalamat











Taliwas sa madalas na maibalita tungkol sa mga domestic helper na pinagmamalupitan ng kanilang amo, mapalad ang isang overseas Filipino worker sa United Arab Emirates na isang mapagbigay at marunong tumanaw ng utang na loob ang amo na kaniyang napagsilbihan.

Sinabi sa Khaleej Times ng 45-anyos na si Dina Tenerife Celo na niregaluhan siya ng kaniyang amo na si Melissa McPike ng Dh23,000 (P320,000) para matupad ang kaniyang pangarap na magkaroon ng bahay at lupa sa kaniyang bayan sa Camarines Sur.

Ang naturang halaga ang ipinambili ni Celo ng lupa, habang sasagutin naman umano ni McPike ang pagpapagawa ng bahay.

Si McPike ay isang Amerikana na naging Emirati citizenship dahil sa kaniyang napangasawa. Ang pagtulong umano kay Celo na nagkaroon ng buhay at lupa ang tanging maibibigay niya sa tapat nitong paglilingkod at pag-aalaga sa kaniyang mga anak.

Hindi raw empleyado kung hindi miyembro ng pamilya ang turing nila kay Celo, na labis nilang pinagkakatiwalaan.

Labis ang pasasalamat ni Celo sa kaniyang amo dahil batid niyang hindi niya basta makakamit ang kaniyang pangarap na bahay at lupa sa kabila ng 20 taong pagtatrabaho sa Abu Dhabi.
OFW sa UAE, niregaluhan ng house and lot ng kaniyang amo bilang pasasalamat OFW sa UAE, niregaluhan ng house and lot ng kaniyang amo bilang pasasalamat Reviewed by Blogger on 3:15 AM Rating: 5

Walang komento