LOOK : PIA RANADA Nagalet Kay Pangulong Duterte Matapos Siyang Pagbawalan Sa Palasyo!
Nilinaw ng Office of the Executive Secretary na hangga’t hindi nag-iisyu ng temporary restraining order ang Court of Appeals (CA) laban sa desisyon ng Securities and Exchange Commission ay hindi maaaring dumalo ang sinumang reporter mula Rappler para mag-cover sa Malacañang.
Nauna kasing sinabi kaninang umaga ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malaya pang makapag-cover ng mga press briefing sa Palasyo ang Rappler habang inaantay ang desisyon ng CA sa kanilang apela.
“As far as I know… you are still allowed until the appeal is resolved by the Court of Appeals. If [the SEC decision] is sustained, then you will have to move to FOCAP (Foreign Correspondents Association of the Philippines), which is the media group for foreign correspondents. Because the decision of the SEC is that you are foreign-controlled,” sabi ni Roque.
Sa text message namang ngayong hapon ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Gueverra sa reporter na si Pia Ranada, hindi na muna siya makapagko-cover ng media events sa Palasyo hangga’t hindi pa siya na-accredit.
Kaninang umaga ay muntik nang hindi makadalo si Ranada sa press briefing ng Malacañang Press Corps matapos siyang harangin ng Presidential Security Group.
Ang utos na hindi papasukin si Pia Ranada, galing umano kay Pangulong Rodrigo Duterte. Kinumpirma ito ni Jhopee Avanceña na head ng Internal House Affairs Office (IHAO) ng Malcañang.
“Instruction ni PRRD sa akin kagabi, not to allow her inside the Palace. Pia and Maria Ressa ang huwag daw papasukin,” sinabi ni Avanceña sa .
Ngayong hapon naman ay in-escortan na palabas ng Palasyo si Ranada dahil ipinagbawal nang mag-cover sa pagtalaga ng mga bagong board of directors ng Federation of Indian Chamber of Commerce Phils. Inc. ngayong gabi.
LOOK : PIA RANADA Nagalet Kay Pangulong Duterte Matapos Siyang Pagbawalan Sa Palasyo!
Reviewed by Blogger
on
5:21 AM
Rating:
![LOOK : PIA RANADA Nagalet Kay Pangulong Duterte Matapos Siyang Pagbawalan Sa Palasyo!](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiD9iSkJU6ZQxGa9Nh8VyvLsyyswGtOLpb4nXCuqzW9g5KTLaXgLn9MF5BuRzbJ_V8ZSprzKeNURDlDcu-8iBK_-t8cOHRLo4MuiKSMxaWR7xSfEA-mUghS9bWzGG0Qep0IB4kEPJWeHduU/s72-c/WATCH-Rappler-Reporter-Sunog-Kay-P.-Duterte-Matalino-Ka-Ano-Ang-SPO4-main.jpg)
Post a Comment