Roque tinawag si De Lima na “Mother of all Drug Lords”
Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa ika-isang taong pagkakulong ni Senadora Leila de Lima dahil sa isyu ng iligal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pagkakulong ni De Lima ay isang patunay na buhay, epektibo at gumagana ang criminal justice system sa bansa.
Binigyang-diin ni Roque na nakakulong si De Lima dahil sa kasong kinakaharap nito kaugnay sa iligal na droga at nagsisilbing buhay na ehemplo ito na ang Pilipinas ay naging narco-state matapos itong mahalal dahil pinondohan ng perang galing sa droga.
Tinawag ng kalihim ang detenidong senadora na “mother of all drug lords” dahil pinayagan nitong mamayagpag ang illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City noong ito pa ang kalihim ng Department of Justice.
“Let me first greet Senator Leila de Lima a happy anniversary.
“Senator De Lima has been detained because of drug charges. She is a living symbol that the Philippines has become a narco-state with her election in office funded by drugs. She is the mother of all drug lords by allowing the illegal drug trade to proliferate inside the National Bilibid Prison when she was the Department of Justice Secretary,” ani Roque.
Sinabi ng kalihim na nasa korte na ang kaso ng senadora kaya’t iwasan aniyang impluwensiyahan ang anumang kalalabasan nito at hayaang umusad ang legal na proseso.
Nauna rito, naghain ng resolusyon ang mga kaalyadong mambabatas ni De Lima sa Senado at hinihiling na palayain na ito mula sa kanyang detensyon sa Camp Crame.
source:abante
Roque tinawag si De Lima na “Mother of all Drug Lords”
Reviewed by Blogger
on
6:01 AM
Rating:
![Roque tinawag si De Lima na “Mother of all Drug Lords”](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgbIl2t_O-qIyAvffwHHl3eNHqgw3Gtqg8chK2uf49ZrlE3UsJj9aeX_4yYzvC510vByJTrZ9sJ_tjZAqFQIEyD5w8myQdA0S8i0_w7L_Emlk7_-09RjDg5Gnq5GAZlP_T8SdRcQvFlAHqo/s72-c/blue.png)
Post a Comment