Good news: Ikatlong telco player tuloy ngayong taon











Nabigo ang gobyerno na maabot ang target na ngayong buwan ng Marso para sa pagpasok ng ikatlong telecommunications player pero tiniyak ng Palasyo na magaganap ito ngayong taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na medyo na-delay lamang ang third player pero tiniyak nya na mangyayari ito ngayong taon.

Hindi naman idinetalye ng kalihim ang dahilan kung bakit naantala ang pagpasok ng third telecom player dahil ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang may hurisdiksiyon dito.

“Well iyon nga po, medyo naantala. Pero inaasahan natin na sa taong ito’y magkakaroon tayo ng pangatlong telecom player,” ani Roque.

Matatandaang nagpahayag ng interes ang ilang mga bansa gaya ng China, Japan, Korea at Taiwan na pumasok bilang third player subalit wala pang linaw kung aling bansa ang makakakuha sa slot na binuksan ng gobyerno para magbigay ng mas magandang serbisyo ng internet connection sa bansa.

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matuldukan ang duopoly ng Smart at Globe sa bansa dahil sa palpak na serbisyo at mabagal subalit mahal na singil sa internet connection.

Maging ang mga miyembro ng gabinete ay nakakaranas din ng pangit na signal sa kanilang mobile phone kapag ini-interview kaya dapat anila talagang makapasok na ang third telco player sa bansa.

source:abante
Good news: Ikatlong telco player tuloy ngayong taon Good news: Ikatlong telco player tuloy ngayong taon Reviewed by Blogger on 4:47 AM Rating: 5

Walang komento