Senador Poe, hindi inilabas sa publiko ang dokumentadong Korapsyon sa MRT, ayon kay Vitangcol











Patungkol sa isyu ng problema sa Metro Rail Transit o MRT-3, ibinunyag ni dating Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol na may mga tao umano na pinipigilan siyang ilabas ang nalalaman niyang korapsyon.

Saad niya sangkot sa maanolmalyang MRT ang nakaraang adminstrsyon.

Pahayag pa ni Vitangkol, lahat ng alam niya ay dokumentado at nagbigay pa siya ng kopya ng kanyang affidavit kay Senator Grace Poe, ngunit lahat daw ng ibinunyag niya ay hindi man lang lumabas sa noong Senate hearing.

“Lahat ng sinabi ko, lahat ng pinalabas ko ay itinago po ito at walang nangyari, pero lahat po ito ay dokumentado…Even during the MRT-3 hearing conducted by the Senate as chaired by Senator Grace Poe, binigyan ko po siya ng kopya ng isang affidavit na nagsasaad kung anu-ano ang mga alam ko na nangyari sa MRT-3. Ito po ba ay lumabas sa publiko? Hindi ito lumabas sa publiko.”

Kaya masasabi niya na mayroong mga ao na pilit pinipigilan na lumabas ang totoo. Dahil kahit pumunta siya sa Senado at House of Representative hindi rin naman niya nasabi ang nalalaman niya.

“Ayaw ako pagsalitain. Sasabihin teka muna, just answer the question. Hinintay ko yung tanong, di naman dumarating yung tanong. Ang mga tanong kung ano lang yung gusto nila marinig na sagutin,” saad ni Vitangkol.

Saad niya rin handa siyang sabihin ang mga taong sangkot sa korapsyon.

Ipinaliwanag ni Vitangkol, kung paano nakaktanggap ng pay-offs galing sa penalties ang dating administrasyon.

“During my time, kapag ang number of trains ay bumaba sa 18, pine-penalize namin yan. Every month, we deduct from the P50 plus million maintenance fee itong penalty…At that time palagi nila sinasabi sa akin, ‘Sir, puwede po ba wag niyo na kami bawasan ng penalty kasi po magbibigay pa po kami sa partido,'” saad niya.

“Magkano bibigay nila sa partido palagi nila sinasabi, ‘Sir, kapag nag-penalty pa kayo, kulang na yung bigay namin na P5-million sa partido’…Meron bang plunder? Kasi kung P5 million yan, in a span of 1 year that will be more than P50 million, papasok sa plunder yan.”

“I would assume, assumption ko lang, since ito nung datung administration, we assume it is the major political party at that time,” dagdag niya.

Umani na naman ng maraming batikos mula sa mga netizens si Senator Poe. Maraming nagalit kay Poe dahil mukhang may pinoprotekhanan umano ito kaya ayawmabunyag ang katotohanan.
Senador Poe, hindi inilabas sa publiko ang dokumentadong Korapsyon sa MRT, ayon kay Vitangcol Senador Poe, hindi inilabas sa publiko ang dokumentadong Korapsyon sa MRT, ayon kay Vitangcol Reviewed by Blogger on 4:39 AM Rating: 5

Walang komento