Trillanes sumang-ayon kay UN Rights chief Zeid! Dapat sumailalim si Duterte ng ‘psychiatric evaluation’
Muli na namang nag-ingay ngayon si Senator Antonio Trillanes IV at sinang-ayunan ang pahayag ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na dapat magpa “psychiatric evaluation” si Pangulong Duterte.
Nitong Linggo, sinabi ni Trillanes na tingin niya dapat talagang magpatingin ni Duterte upang masigurado ang seguridad at kapakanan ng mga mamamayang Pilipino.
Hinamon rin ni Trillanes si Pangulong Duterte na magpatingin sa doktor.
“For the sake of the safety and well-being of the entire Filipino nation whose lives are subjected to his power, I call on Duterte to prove that he has a sound mental health by going through a psychiatric evaluation,” saad ni Trillanes.
Paliwanag pa ni Trillanes na base daw sa kung paano mag-isip at mala-kriminal na pananaw ng pangulo ay tiyak daw na may sira sa ulo ang pangulo.
“His murderous and erratic ways plus his crass, twisted and perverted statements are indicative of a deeply sick mind.”
“Hindi ‘yan normal na pag-iisip, lalo na ng isang Filipino,” dagdag pa niya.
Samantala, nagreact naman ang mga netizens sa pahayag na ito ni Trillanes tungkol sa pangulo. Ang ilan sa kanila ay binanatan rin si Trillanes.
Trillanes sumang-ayon kay UN Rights chief Zeid! Dapat sumailalim si Duterte ng ‘psychiatric evaluation’
Reviewed by Blogger
on
5:02 AM
Rating:

Post a Comment