10 heavy equipment na ginagamit sa road construction, sinunog ng umano’y mga NPA











Kahit Easter Sunday, nanunog pa rin ng sampung heavy equipments ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Davao City.

Sa ulat ng One Mindanao, nanunog ng heavy construction ang mga NPA sa Brgy. Callawa, Buhangin District at Brgy. Fatima, Paquibato District nitong Liggo ng madaling araw.

Kabilang sa mga nasunog ang tatlong Howo dump truck; isang unit ng back hoe-Caterpillar; at isang King Long dump truck na pagmaay-ari ng Leonard Trucking Services (LTS).

Inaalam sa hanggang ngayon ang dahilan ng pagsunog, ngunit ayon sa Buhangin PNP, mukhang extortion ang motibo ng mga armadong NPA kung kaya sinunog ang mga sasakyan.

Bukod pa rito, nitong Sabado naman ng gabi mga alas onse, inatake rin umano ng mga NPA ang lungsod ng Purok 4, Sitio Suadan at Purok 14, Sitio Quarry.

Samantala, galit naman ang mga netizens sa ginawang panunog ng mga teroristang NPA. Saad ng iba sila ang mga taong ayaw ng pag-unlad pagka’t naglalamang sila sa kanilang kapwa at pumapatay pa.

Source: PTV News Mindanao, One Mindanao
10 heavy equipment na ginagamit sa road construction, sinunog ng umano’y mga NPA 10 heavy equipment na ginagamit sa road construction, sinunog ng umano’y mga NPA Reviewed by Blogger on 4:35 AM Rating: 5

Walang komento