Alam niyo ba? Mga sinungaling at bayarang media rin ang sumira kay Pres. Marcos noon
This is not just an opinion kasi nga ito naman talaga ang totoong nangyari noong si President Ferdinand E. Marcos pa ang namumuno sa Pilipinas.
Maayos ang pamamalakad ni Macoy noon, masiglang namumuhay ang mga mamamayan, walang malalang kahirapan, nasa mataas na antas ang ekonomiya ng Pilipinas kung kaya't masigla ring dinarayo ang ating bansa ng mga dayuhan.
Hindi ko naabotan ang pamumuno ng matalinong si Marcos pero ayon sa aking pagsasaliksik at pagtatanong sa mga matatanda ay lubusan nilang hinahangaan si Marcos dahil nga bukod raw sa magaling ito na lider ay talagang matulungin at hindi pinababayaan ang mga magsasaka, kaya nga ang ani ng mga magsasaka noon ay malusog at masigla na dahilan din ng pag angat ng ekonomiya ng bansa.
Subalit ang lahat ng mga magagandang ginagawa noon ni Macoy ay sinisira naman ng mga bayarang media na ginagamit ng mga oligarch sa Pilipinas na siyang dahilan kung bakit may mga mangmang na nagra-rally noon.
Black propaganda ang pinaka panlaban ng mga suwail sa gobyerno, at dahil nga wala pang internet noon madaling nauuto ang mga Pilipino ng mga bayarang media. Kung nagkataon na mayroong internet na noon ay walang mauuto ang media dahil nga lalabas padin ang katotohanan sa social media katulad ngayon.
Sa aking pag-aaral ng totoong kasaysayan ng ating bansa mas naintindihan ko na ang media ang isa sa dahilan kung bakit bumagsak si Marcos, mga bayarang media na kinuha ang damdamin ng tao at ipinalabas na masama si Marcos ngunit kabaliktaran sa katotohanan.
Ngayong si Pangulong Duterte ang namumuno iba't-ibang black propaganda rin ang inilalabas ng mga bayarang media gaya ng ABS-CBN, INQUIRER, RAPPLER, GMA 7, CNN at iba pa. Kaya matoto tayo sa nakaraan, na kung paano sinira ng mga bayarang media si Marcos noon ay posible rin itong mangyari kay Digong kung patuloy tayong mananahimik sa kabulastugan at mga black propaganda ng media.
Alam niyo ba? Mga sinungaling at bayarang media rin ang sumira kay Pres. Marcos noon
Reviewed by Blogger
on
5:46 AM
Rating:
Post a Comment