Duterte gov’t, nakabili na ng makina para sa pagpapagawa ng plaka
Sapagkat malaki pa rin ang kakulangan ng Land Transportation Office (LTO) sa pamamahagi ng mga plaka, minabuti ng administrasyong Duterte na bumili na lamang ng mga makinang gagawa ng mga plaka.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, mas maigi umano na ang Pilipinas na ang gumawa ng mga plaka upanag mapadali ito. Kaysa doon pa sa ibang bansa na mas lalong tumatagal ang proseso.
“Ayaw na nating maulit ‘yung problema sa plaka. Kaya naman mas maigi kung tayo na lang mismo ang mag-manufacture kaysa nagpapagawa pa abroad na nagpapatagal lang ng proseso. With the proper equipment and training, kaya naman natin,” saad ni Tugade.
Ayon naman sa ulat ng PTV, nakabili na umano ng plate making machines at noong Pebrero pa ito dumating.
Ang pagkakaroon ng sariling equipment para sa pagpapagawa ng motor vehicle plates ay tiyak na mas makakatipid ang LTO sa gastos at mas mapapadali ang paggawa upang maresolba ang maraming backlog.
Ang backlog ay aabot na ng anim na milyon simula pa noong July 2016.
Source: PTV, News5
Duterte gov’t, nakabili na ng makina para sa pagpapagawa ng plaka
Reviewed by Blogger
on
5:03 AM
Rating:
Post a Comment