Duterte sa mga NPA: "Mag-uusap lang tayo kung ititigil ninyo ang karahasan"
Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na muling buksan ang peace talks sa New Peoples Army (NPA) basta itigil ang ginagawang karahasan at igalang ang ceasefire o tigil-putukan.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng bagong tulay sa Bongabong,Oriental Mindoro kagabi, sinabi ng Pangulo na kung gusto ng NPA ng totohanang pag-uusap ay itigil ang kanilang karahasan at extortion activities at pangha-harass sa mga negosyante.
Binigyang-diin ng Presidente na hindi madaling makarating sa paroroonan dahil maraming balakid pero hindi aniya nito sinasarhan ang lahat ng posibilidad para sa pag-uusap.
Sinabi pa ng Pangulo na handa niyang gastusan ang pag-uusap sa hotel pati na sa gastos sa pagkain tutal ay kakaunti lang naman ang mga NPA.
“Kung gusto nyo talaga ng totohanan is you stop immediately, you and I ceasefire tayo. Ni walang isang putok, maski labintador and I would be happy.
Ako po’y ready — I will subsidize the peace process. Ako yung babayad ng hotel, ako yung babayad ng gastos nyo. At yung mga tao nyo, kung ano ang naipon, yun muna ang gastusin ninyo,” anang Pangulo.
Kung gusto aniya ng kapayapaan ay itigil ng mga rebelde ang revolutionary government at huwag manunog dahil walang negosyanteng papasok sa isang proyekto kung sisirain ang gamit ng mga ito, minsan ay pinapatay pa ang mga ito.
Pero kahit pumapayag na ang Pangulo sa peace talks, nilinaw nito sa mga NPA na hindi niya mapagbibigyan ang gusto ng mga ito na coalition government dahil hindi niya pag-aari ang soberenya ng estado.
“Let me very clear on this: I cannot concede to you, yung tinatawag nila na coalition government. For the simple reason that I do not own the sovereign power of the state,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
source:abante
Duterte sa mga NPA: "Mag-uusap lang tayo kung ititigil ninyo ang karahasan"
Reviewed by Blogger
on
4:22 AM
Rating:
Post a Comment