‘WALANG HIYA ANG BUNGANGA’ | Duterte, ipinag-utos ang pag-aresto sa Australian na madre
APRIL 18, 2018 – Umamin si Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos sa Bureau of Immigration na hulihin ang 71-anyos na Australian na madre na si Patricia Fox.
Pero paglilinaw niya, hindi para ipa-deport kung ‘di para imbitahan siya sa imbestigasyon.
“I take full responsibility for this incident. I ordered her to be investigated, not deported, not arrested but to invite her to an investigation for a disorderly conduct,” sabi ni Duterte sa Change of Command Ceremony para kay outgoing AFP Chief of Staff Lieutenant General Leonardo Guerrero sa Camp Aguinaldo.
Giit ng pangulo, matatanggap pa niya kung Pilipino ang bumabatikos sa kanya. Pero wala raw karapatan ang dayuhang na tirahin siya.
“Ang hiningi ko lang, you’re a Filipino. You are entitled really to criticize. Freedom of expression is unlimited and it goes for everybody. But to otherwise undermine and treat the Philippines like that… that is something else.”
“Kung insultuhin ako under the cloth of just being what? A Catholic priest? And you are a foreigner? Who are you? No. It’s a violation of sovereignty,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Duterte, nasasaad daw sa batas na bilang pangulo, may kakayahan daw siyang ipa-deport o hindi papasukin sa bansa ang sinumang maituturing na “undesirable alien.”
“The order who goes in and who goes out is with me –not in Congress, not in the Supreme Court.”
“Papasukin ko ‘yan kapag mabait na tao. Huwag mong papasukin kasi walang hiya ang bunganga ng madreng ‘yan. You do not have that right to criticize us but you can come here and enjoy all the sites.”
Ibinalik din ng pangulo sa madre na sariling bansa na lang niya ang batikusin imbes na ang Pilipinas.
“You are too presumptuous about looking at the Filipinos. May human rights violation kayo, mas grabe. Buti dito, kriminal ang pinapatay ko. Kayo? Men, women and children seeking sanctuary under the heat of the sun and the coldness of the night, you drove them back to where they came from,” sabi ni Duterte.
Sisiguraduhin daw na ipag-uutos ni Duterte ang pag-aresto sa mga dayuhang sumasali sa mga rally o sisiraan o babatikusin ang gobyerno.
“Beginning today, I will decide who gets in, who gets out. You want to question that, you go to Court and I will follow. But until then, you do not mess up with the sovereignty of this country,” sabi ni Duterte.
“I assure you, if you begin to malign the government in any of those rallies, I will order your arrest,” dagdag pa niya.
‘WALANG HIYA ANG BUNGANGA’ | Duterte, ipinag-utos ang pag-aresto sa Australian na madre
Reviewed by Blogger
on
5:56 AM
Rating:
Post a Comment