Mga 'Dilawan', Sangkot sa Anomalya sa P36 Billion Mindanao Railway Project Bidding ayon sa DOTr Asec.!











Sa isang press conference, isiniwalat ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Mark Tolentino na mayroon umanong mga opisyal na 'dilawan' sa loob ng DOTr na gustong manipulahin ang bidding process para sa Mindanao Railway Project na ang first phase ay nakakahalaga ng P36 Billion. Hindi pa muna pinangalanan ni Tolenttino ang mga opisyal sa harap ng media pero isusumbong niya umano ang mga ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

"Kung sino po ‘yung may personal interest diyan, pasensiya na po, isusumbong ko po kayo sa ating mahal na Pangulo," sabi ni Asec. Tolentino.

Umalma si DOTr Communications Director Goddess Libiran sa ginawang press conference ni Asec. Tolentino. Ayon kay Libiran, hindi umano 'authorized' ang press conference ni Tolentino.

Giit naman ni Tolentino, may basbas umano mismo ni DOTR Secretary Arthur Tugade ang kanyang press conference.
Mga 'Dilawan', Sangkot sa Anomalya sa P36 Billion Mindanao Railway Project Bidding ayon sa DOTr Asec.! Mga 'Dilawan', Sangkot sa Anomalya sa P36 Billion Mindanao Railway Project Bidding ayon sa DOTr Asec.! Reviewed by Blogger on 4:05 AM Rating: 5

Walang komento