PNP chief, nanawagan sa publiko na videohan ang mga pulis na hindi gumawa ng tama
Nanawagan si PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa publiko na kunan ng video ang mga pulis na hindi gumagawa ng tama.
Ayon sa PNP chief hindi mababantayan ng liderato ng PNP ang bawat isa sa 190,000 pulis kung kaya’t kailangan nila ng volunteers para tumulong sa internal cleansing program ng Philippine National Police.
Partikular na tinukoy ni Albayalde yung mga pulis na nagtetext lang sa oras ng trabaho o nag-internet lang sa mga convenience stores habang naka-duty, pati na rin yung mga natutulog sa istasyon o hindi naka-uniporme.
Ayon kay Albayalde, hindi mababantayan ng pulis ang kanilang kapaligiran kung abala sila sa ibang bagay sa oras ng trabaho.
Ang panawagan ng PNP chief ay kasunod ng kanyang pagbubunyag na pawang mga pulis din ang kanyang mga bashers na hindi matanggap ang mga pagbabagong isinusulong niya sa PNP.
Giit ng PNP chief, walang dahilan para magalit ang mga pulis na ito dahil ang kanyang paglilinis sa hanay ng mga pulis ay para sa kabutihan narin ng buong PNP.
PNP chief, nanawagan sa publiko na videohan ang mga pulis na hindi gumawa ng tama
Reviewed by Blogger
on
5:10 AM
Rating:
Post a Comment