Isang Pari, TIMBOG matapos kumuha sa BUGAW ng menor-de-edad, bugaw menor-de-edad din











Panay ang takip ng monsenyor sa mukha at sa kanyang kamay na nakaposas na kinilalang si Arnel Lagarejos, edad, 55yrs old.

Si Lagarejos ay inaresto sa kasong paglabag sa Anti Trafficking in Persons Act.

Ayon sa mga pulis, ibinugaw sa pari ang trese (13) anyos na dalagita ng kaibigan ng biktima na isang menor-de-edad din na 16 years old.

Humingi naman agad ang magulang ng 13 years old na babae sa mga pulis matapos malaman ang pangyayari na ito.

Hindi naman nag atubili at nag kasa agad ng operasyon ang Women and Childrens Protection Desk at Intelligence Unit ng Marikina Police.

Naharang at inaresto ang pari bago pa makarating sa isang motel na magiging meeting place nila ng dalawang meror-de-edad sa isang mall sa Sumulong Hwy Barangay Sto.Niño.

Nakuha naman sa suspect ang cellphone na kanyang gamit kung saan makikita ang transaksyon nito sa biktima at sa bigaw nito.

Hawak naman ngayon ng DSWD ang dalawang menor-de-edad.

Paalala naman ng Pulisya ang mga magulang, ''Alamin nila kung sino mga kaibigan ng anak nila, alamin kung ano ang mga activities nung mga anak nila from time to time subaybayan talaga ung mga kabataan pag gumagamit sila ng FB...'' ayon kay Sr. Insp. Jacqueline Guzon Ta-a.

Source : GMA 24 ORAS WEEKEND
Isang Pari, TIMBOG matapos kumuha sa BUGAW ng menor-de-edad, bugaw menor-de-edad din Isang Pari, TIMBOG matapos kumuha sa BUGAW ng menor-de-edad, bugaw menor-de-edad din Reviewed by Blogger on 6:27 AM Rating: 5

Walang komento