Pangulong Duterte hinamon ni Trillanes sa "IQ test"











Hindi pinalagpas ni Senador Antonio Trillanes IV ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahina na ang kanyang IQ o intelligence quotient.

Hinamon ni Trillanes ang pangulo sa IQ test at agad nangakong magbibitiw sa pwesto kapag tinalo ng Pangulo.

Kahit pa raw dagdagan ng 10 puntos ng Pangulo, tiyak niya itong ilalampaso.

"Just to settle the matter, I am challenging Duterte to an IQ test. Kahit plus 10 pa siya, pag mas mataas score niya sa akin, magre-resign ako sa pagkasenador," sabi ni Trillanes sa text message sa Senate media.

Una rito, sinabi ni Duterte sa panayam sa Libingan ng mga Bayani na nagtataka siya kung bakit nakapasa si Trillanes sa Philippine Military Academy samantalang iba ang karakter, bibig at "low IQ".

Mariing sinabi ni Trillanes na si Duterte ang mahina ang isip dahil nareresolba ang mga problema ng bayan.

"Siya nga itong wala nang maisip na solusyon sa mga problema ng bayan kasi aminado siyang mahina ang kokote niya," dagdag ni Trillanes.

source:abante
Pangulong Duterte hinamon ni Trillanes sa "IQ test" Pangulong Duterte hinamon ni Trillanes sa "IQ test" Reviewed by Blogger on 7:54 AM Rating: 5

Walang komento