7 sa bawat 10 Pinoy, naniniwalang nasa tamang direksyon ang Pilipinas
Mayorya ng mga Filipino ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa.
Batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 75 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang nasa “right direction” ang Pilipinas na mas mataas ng limang puntos noong Hunyo.
Nasa 22 percent naman ang nagsabi na nasa “wrong direction” ang bansa habang 3 percent ang walang sagot.
Paliwanag ng SWS, tumaas ang bilang ng mga nagsabing nasa “right direction” ang Pilipinas sa lahat ng areas kung saan pinakamataas sa Mindanao.
Dahil dito, nakakuha ng plus 72 net satisfaction sa trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagsabing nasa tamang landas ang bansa.
Pero negative 3 naman para sa mga naniniwalang nasa “wrong direction” ang bansa.
Ang nasabing SWS survey ay isinagawa nitong September 15 hanggang 23, 2018 sa may 1,500 adult respondents.
source:rmn
7 sa bawat 10 Pinoy, naniniwalang nasa tamang direksyon ang Pilipinas
Reviewed by Blogger
on
3:48 AM
Rating:
Post a Comment