Mga guro na nag-uudyok sa mga estudyante na magrebelde, ipapaaresto ni PNP Chief Albayalde
Ang mga guro ng unibersidad at kolehiyo na nagtuturo at naghihikayat sa kanilang mga estudyante na magrebelde ay maaring i-contempt at kasuhan ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.
Ito ang inihayag ni Albayalde kasunod ng pagbubunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 18 unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila kung saan aktibo ang recruitment ng CPP-NPA ng mga estudyante para sa “Red October” ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“Eh kung kasuhan kaya natin yung teachers na nag-iinstigate ng mga estudyante? Diba? They should be also charged for contempt, dahil kung anu-anong itinuturo sa mga estudyante, kung meron mang faculty members,” pahayag ni Albayalde sa isang press briefing.
Aniya, kung may maling naituturo sa mga estudyante na maaaring nakakalason ng kanilang isipan para lumaban sa pamahalaan ay nararapat na maremedyohan ito.
“Kung kami nga nagpapakamatay na para sa ating bansa. We are trying to save generations dito, and yet ganoon ang mga itinuturo natin sa ating mga estudyante,” ani PNP Chief.
Ipinaalala din ni Albayalde sa mga estudyante na huwag tangkain na magrebelde sa kasalukuyang gobyerno na nagbibigay sa kanila ng libreng edukasyon.
“Ito masabi ko… these youth are given free education by no less than the government, hindi ba? In state universities you are given free education by the government and yet hindi ka pa nag-ga-gragraduate you are already going against the same government that gives you free education. Samantalang kami when we were given free education we were required to serve the country for a minimum of 8 years kahit saan,” sabi ni Albayalde.
Mga guro na nag-uudyok sa mga estudyante na magrebelde, ipapaaresto ni PNP Chief Albayalde
Reviewed by Blogger
on
4:59 AM
Rating:
Right indeed, then must be the PRC revoked their Professional License.
TumugonBurahin