Media sa Pinas Kulang sa Professionalism at Ethical Standards, Ayon sa Denmark Ambassador

Ang media ay isa sa mahalagang bagay sa lipunan. Dahil dito, nalalaman natin ang iba't ibang balita saan mang sulok sa mundo.

Sa isang pagtitipon ng mga multi-stakeholders, ang Denmark Ambassador sa Pilipinas na si Jan Christensen ay nagsalita tungkol sa kakulangan ng professionalism at etika ng media sa Pilipinas. Ipinahayag niya ang kanyang obserbasyon tungkol sa kung paano ang media sa Pilipinas ay naghahatid ng balita na puro negatibo lalo na sa mga isyu tungkol sa pamahalaan.

Ang nasabing pagtitipon ay inisponsor ng Asian Institute of Journalism and Communication at International Media Support. Ang sistematikong negatibong media, tulad ng na-obserbahan ni Christensen ay kulang sa propesyonalismo at etikal na pamantayan. Idinagdag din nya ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamahayag sa bansa, kahit na binigyang diin ang mga pagpatay ng mga mamamahayag sa likod ng Maguindanao Massacre noong 2009.

Ayon sa embahador ng Denmark, "Media is seen as the fourth power in Denmark. Media is extremely important for checks and balances system in a democratic society.”

Pinapaalala ng NUJP o National Union of Journalists sa Pilipinas ang pamamaslang at harassment ng media personalities sa bansa.

Ang chairperson ng NUJP, na si Nonoy Espina ay nagsabi, "A killing is a killing. There is no justification." Ipinahayag din niya na walang exemption sa kahit na sinung mamamahayag. Si Espina ay naka-focus sa kaligtasan at seguridad sa bawat miyembro ng media.

Ang iba pang mga isyu na napag-usapan sa nasabing event ay ang mababang sahod ng mga mamamahayag, ang kaligtasan ng mga kurso sa journalism sa mga kolehiyo at unibersidad, ang mga karapatan ng bawat mamamahayag ng campus, at ang tugon ng gobyerno tungkol sa seguridad ng mga mamamahayag.

Source: asianpolicy.press
Media sa Pinas Kulang sa Professionalism at Ethical Standards, Ayon sa Denmark Ambassador Media sa Pinas Kulang sa Professionalism at Ethical Standards, Ayon sa Denmark Ambassador Reviewed by Blogger on 1:58 AM Rating: 5

Walang komento