Pangulong Duterte, Ituloy ang Pagdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang Terorista
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na isulong ang kaso laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang terrorist organization.
Ginawa ng Pangulo ang direktiba matapos pulungin ang executive committee ng National Security Council noong Martes sa Cebu.
Naging sentro ng pulong ang mga serye ng panggugulo ng mga rebeldeng komunista bilang bahagi ng kanilang plano na pabagsakin ang gobyerno.
Sinabi ni Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na inisa-isa sa pulong ang mga ginagawang karahasan ngayon ng NPA kung saan ang pinakahuli ay ang pagpatay ng mga rebelde sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.
“The President was unwavering with regard to the issue as a result of the communist group’s efforts in infiltrating and overthrowing the government. President Duterte ordered the Department of Justice to pursue the proscription case against the CPP-NPA-NDF as a terrorist organization,” ani Panelo.
Inihayag din ng Pangulo sa ipinatawag na pulong ang pagtatag ng National Task Force na tututok sa mga panggugulo ng mga lokal na komunista.
Matatandaang pansamantalang naisantabi ang usapin sa pagdedeklara bilang terrorist organization sa CPP-NPA-NDF dahil sa pagbubukas ng peace talks noong 2017.
Source: ABANTE
Pangulong Duterte, Ituloy ang Pagdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang Terorista
Reviewed by Blogger
on
4:48 AM
Rating:
Post a Comment