Watch: MPD chief, may babala sa brgy. chairman na inirereklamo ng pambubugbog sa menor de edad.
Tiniyak ng hepe ng Manila Police District na isisilbi nila kapag lumabas na ang arrest warrant laban sa isang punong barangay na inirereklamo ng pambubugbog sa isang binatilyo sa Sta. Cruz, Maynila. May babala rin ng opisyal ng pulisya laban sa kapitan.
Sa ulat ni Ivan Mayrina sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing lumutang na sa tanggapan ni Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño si chairman Felipe Falcon, Jr. ng Brgy. 350 Sta. Cruz, na nahaharap sa kasong physical injury in relation to child abuse.
Ito ay kaugnay sa umano'y pambubugbog niya at ilan niyang tauhan sa isang menor de edad na nangyari mahigit isang linggo na ang nakalilipas sa mismong barangay hall.
Ngunit ang pagpunta umano ni Falcon sa DILG ay para lang maghain ng "leave of absence" at hindi para sumuko.
“Nag-file siya ng leave ng 15 days para magkaroon ng free and honest investigation. Sabi niya nga hindi naman siya nagtago, natakot lang siya dahil nga nung masyadong masasakit na yung lumalabas sa social media,” sabi ni Diño.
Ayon sa ulat, ilang beses na raw nagpasabi si Falcon sa MPD na susuko pero ilang beses din daw bumawi.
Kaya sabi ni Senior Supt. Vicente Danao, ang bagong hepe ng MPD, "'Pag lumabas 'yung warrant of arrest at 'pag lumaban ka, talagang may kalalagyan ka, Kapitan. Ako na nagsasabi sa 'yo.”
Patuloy ng opisyal, "Kararating ko lang, baka gawin kitang accomplishment.”
Samantala, dumating na mula sa Singapore ang ina ng binatilyo na naiyak sa labis na sama ng loob sa sinapit ng kaniyang anak.
“Sobrang galit po, hirap na hirap 'yung kalooban ko. Kung puwedeng sumabog ang dibdib ko, sasabog na siya,” saad ni Luz Castro, na naiyak nang malaman ang sinapit ng anak.
Pinabulaanan din ni Castro ang depensa ng kapitan na ang anak niya ang una umanong nang-atake.
“Tingnan niyo naman ho ang anak ko, ganyan kapayat, pupunta ng barangay hall na may mga ilang tao na kagawad, siya ang mauuna na mananakit? Sa tingi ko po malabong mangyari ['yun],” dagdag ni Castro.
Sinubukan ng GMA News na kapanayamin si Falcon, ngunit hindi pa ito nagpapakita sa barangay hall.
Watch: MPD chief, may babala sa brgy. chairman na inirereklamo ng pambubugbog sa menor de edad.
Reviewed by Blogger
on
3:19 AM
Rating:
Post a Comment