Grade 6 student na nagbebenta raw ng marijuana sa paaralan, bistado ng guro











Nabisto ng mga guro ang isang grade six student na nagbebenta umano ng marijuana sa loob ng paaralan. Arestado ang tatlong pinagkukunan daw nito ng droga kasama ang isang kolehiyala.

Sa ulat ni Rida Reyes sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing 22 sachet na may laman na marijuana ang nakuha sa 16-anyos na estudyante.

Nadiskubre raw ng dalawang guro ang bentahan ng droga sa paaralan nang makita nila sa bag ang marijuana sa araw ng kanilang exam nitong Biyernes.

May nakita rin umanong gamit sa pagdodroga sa bag ng estudyante gaya ng tube at lighter.

Kaagad nilang inireport sa guidance office ang nadiskubre at nagpatawag ng pulis.

Sa follow-up operation, nadakip ang dalawang lalaki at isang babae na college student na tinukoy ng binatilyo na pinagkukunan niya ng marijuana.

Itinanggi ng dalawang lalaki ang alegasyon pero ang kolehiyala, idinahilan na sinusuportahan niya ang sarili kaya napasok ang iligal na gawain
Grade 6 student na nagbebenta raw ng marijuana sa paaralan, bistado ng guro Grade 6 student na nagbebenta raw ng marijuana sa paaralan, bistado ng guro Reviewed by Blogger on 4:17 AM Rating: 5

Walang komento