Rider, patay matapos bumangga sa police mobile











Isang rider na mabilis umano ang pagpapatakbo ng kaniyang motorsiklo ang nasawi matapos na bumangga sa isang nakaparadang police mobile sa Balilihan, Bohol.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing binabaybay ng rider ang daan patungong Tagbilaran City nang bigla itong mag-overtake sa isang sasakyan.

Dito na sumalpok ang rider sa nakatigil na police mobile na dahilan ng kaniyang pagtilapon at pagkasawi.

Sa Balanga City, Bataan naman, mapalad na galos lang ang tinamo ng isang babaeng rider na nabangga naman sa pampasaherong jeep.

Ayon sa biktimang si Michelle de Castro, papasok sana siya sa eskuwelahan at patawid sa kabilang bahagi ng kalsada nang mahigip niya ang jeep na minamaneho ni Edoy Mariano.

Depensa naman ng driver, bigla raw pumasok sa kaniyang linya ang motorsiklo kaya hindi niya ito naiwasan agad.
Rider, patay matapos bumangga sa police mobile Rider, patay matapos bumangga sa police mobile Reviewed by Blogger on 4:00 AM Rating: 5

Walang komento