WATCH: May-ari ng bahay na naalimpungatan, pinagsusuntok ng nakapasok na kawatan
Nahuli-cam ang pagnanakaw ng isang lalaki sa isang bahay sa Calamba, Laguna. Ilang ulit na bumalik ang kawatan sa loob ng bahay hanggang sa magising ang nakatira rito na kaniyang pinagsusuntok bago kumaripas nang takbo at iniwan ang kaniyang tsinelas.
Sa GMA News "Balitanghali" ni Jay Sabale nitong Martes, nakilala ang suspek na si John Paul Cervantes, 18-anyos at estudyante, na ilang beses na rin daw nasangkot sa nakawan sa lugar.
Nangyari ang huling pag-atake nitong Enero 13 sa Barangay Looc at nakunan sa CCTV ang kaniyang pag-ayok sa bakod hanggang sa pagpasok sa loob ng bahay habang natutulog ang may-ari sa sala.
Kahit may tao sa bahay, hindi natinag si Cervantes sa kaniyang pagnanakaw at ilang beses itong naglabas-pasok para bitbitin ang mga makukulimbat pati na ang isang laptop.
Pero nang bumalik siya para kunin ang charger ng laptop, nagising ang may-ari na natutulog sa sofa na pinagsusuntok ng kawatan bago tumakas.
Tinangay ng suspek ang DSLR camera, mga cellphone, laptop at iba pang gamit na aabot sa P200,000 ang halaga.
Sinabi ng biktima na dati na silang nilooban ng salarin ngunit hindi sila nakapagreklamo dahil sa kawalan ng ebidensiya. Pero sa pagkakataong ito na nakunan siya sa CCTV, sisiguruhin nila na masasampahan na ito ng kaso.
Estilo rin daw ng suspek na sadyang iwan ang tsinelas sa mga bahay na nilolooban.
WATCH: May-ari ng bahay na naalimpungatan, pinagsusuntok ng nakapasok na kawatan
Reviewed by Blogger
on
4:06 AM
Rating:
![WATCH: May-ari ng bahay na naalimpungatan, pinagsusuntok ng nakapasok na kawatan](https://i.ytimg.com/vi/PYmgh4Ixlmc/default.jpg)
Post a Comment