GOOD NEWS' Nakapagtala ng 94% ang Social Weather Stations (SWS) sa survey na nagsasabing masaya ang mga Filipino sa ilalim ng Duterte administration.
Inasar ng Malacañang ang oposisyon dahil sa survey na nagsasabing masaya ang mga Filipino sa ilalim ng Duterte administration.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakapagtala ng 94% ang Social Weather Stations (SWS) sa survey noong December 8-16, 2017 kung saan masaya ang mga Filipino sa kabuuan.
Itinuturing ito ng SWS survey na record-high at nilagpasan ang 92% na naitalang record, 22 taon na ang nakakaraan.
Sinabi ni Roque na nararamdaman na ng mga Filipino ang tunay na pagbabago sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte at umaasang magkakaroon ng mas magandang kinabukasan sa kasalukuyang gobyerno.
Ang mga ganitong survey ayon kay Roque ay ikinalulungkot ng oposisyon.
Idinagdag pa ni Roque, na sa 32 surveys na ginawa ng SWS simula 1991, tatlo sa limang mataas na resulta ang naitala sa ilalim ng Duterte administration, partikular noong December 2016, September 2017 at December 2017.
“This first piece of good news will make the opposition very sad… Filipinos are happy people and the latest Social Weather Station survey conducted December 8 to 16, 2017 highlights this: 94% of Filipinos are very or fairly happy with life in general. SWS considers this a record high, surpassing the previous 92% registered 22 years ago. It is worth mentioning that of the 32 surveys conducted by SWS since 1991, three of the five instances wherein over 90% said they were very or fairly happy took place during the Duterte administration. These were December 2016, September 2017 and December 2017.
“Indeed genuine change under the leadership of President Duterte which has been felt by our people coupled with their hope for a better future under the current government certainly makes Filipinos across all geographic areas happy – and the opposition sad,” ani Roque.
source:abante
GOOD NEWS' Nakapagtala ng 94% ang Social Weather Stations (SWS) sa survey na nagsasabing masaya ang mga Filipino sa ilalim ng Duterte administration.
Reviewed by Blogger
on
4:35 AM
Rating:
Post a Comment