READ : Franklin Drilon Balak Kasuhan Ang Mga Nagtutulak Ng "Revolutionary Government"
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, iligal o bawal sa saligang batas ang pagsusulong at pagtatayo ng revolutionary government, kaya dapat daw na kasuhan ang nagsusulong nito.
Sinabi ni Senator Drilon na hindi porket kaalyado ng administrasyon ni Duterte ay dapat palampasin sa kaparusahan ang mga nagtutulak ng revolutionary government.
Iginiit naman ni Drilon at mga kapartido nitong Liberal Party, kung talagang seryoso ang gobyernong ito na papanagutin ang mga tiwali ay dapat hindi nito palagpasin ang mga kakampi na sangkot sa mga kontrobesiya.
Kinontra naman ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang pahayag ni Drilon na parusahan ang mga nagsusulong sa revolutionary government.
Ayon kay Aguirre, wala naman siya nakikitang mali sa pagtitipon ng mga nagsusulong ng “RevGov na” o pagtatayo ng revolutionary government.
Idiniin ni Aguirre na malaya ang sinumang mamamayan na maglahad ng kanilang pananaw tulad ng mga lumahok sa pagtitipon kahapon sa Maynila.
Aniya, ang naganap sa naturang aktibidad ay bahagi ng kanilang “freedom of expression” o paniniwala na sa pamamagitan ng revolutionary government ay mas mapapadali ang pagbabago sa bansa.
READ : Franklin Drilon Balak Kasuhan Ang Mga Nagtutulak Ng "Revolutionary Government"
Reviewed by Blogger
on
4:27 AM
Rating:
Post a Comment