Pagkakaibigan ng Pilipinas at Saudi Arabia mas Tumibay pa
Mainit na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang Prinsipe ng Saudi Arabia na si Abdulaziz bin Saud bin Naif.
Sa kanilang pulong ay iginiit ng Pangulo sa Prinsipe ang karapatan at kapakanan ng mga Filipino na nagtatrabaho sa Saudi Arabia.
Isinulong din nito sa Saudi Prince ang pangangailangan na mapalawig ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinaabot naman ng Saudi Prince sa Pangulo ang personal na hangaring mapangalagaan ang dalawang Holy Mosques ni King Salman at kinilala ang importansiya ng Pilipinas sa Saudi Arabia.
Ipinaabot din aniya ni Prince Abdulaziz kay Pangulong Duterte ang mataas na pagrespeto ng hari ng Saudi sa matapang nitong naging aksiyon na nagresulta sa matagumpay na kampanya laban sa Maute ISIS group kaya nabawi ang Marawi City sa mga terorista.
“The Prince conveyed the deep respect of the Saudi King for the President’s strong and decisive action that lead to the liberation of Marawi from extremists and terrorists,” ani Roque.
Kasabay nito ay ipinaabot din ng Saudi Prince kay Pangulong Duterte ang kahandaan ng kingdom of Saudi Arabia na labanan ang marahas na terorismo at extremism, habang nangako rin ng katulad na pag aksiyon ang Pangulo laban sa mga terorista.
“The Prince conveyed the readiness of KSA to combat violent extremism and terrorism. The President thanked the Prince for the visit and reaffirmed the commitment of the Philippines to defeat and break the backbone of terrorism and violent extremism,” dagdag pa ni Roque.
source:abante
Pagkakaibigan ng Pilipinas at Saudi Arabia mas Tumibay pa
Reviewed by Blogger
on
5:25 AM
Rating:
Post a Comment